Kagabi, iyak ako ng iyak. Halos hindi ko napahinto ang sarili ko. Hindi ko maalala kung paano nagsimula, o kung ano ang iniisip ko para umiyak ako nang pagkatagal-tagal.
Samantalang noong kamakalawa lang, inubos ko ang pera ko para bumili ng mga bagay na pampaganda.
Napapansin ko lang, dumadalas kong yakapin ang dalawang pinagpatong kong unan para makatulog. Siguro nangungulila ako.
Hindi talaga ako makatulog kagabi. Bigla akong nilunod ng lungkot at hindi ako makahinga. Umupo ako at hinayaang hanginan ng hangin ng bentildor ang aking mukha. Pero nanginig ako at nanlamig. Sa ika-siyamnapu't-siyam na pagkakataon, naramdaman ko ang pag-iisa.
Kanina, bumili na naman ako ng pabango - ang bagay na hindi ko ginagamit mula ng nagdalaga ako. Ikatlong palit ko na ng pabango sa loob ng isang buwan.
Kagabi
Posted by Joyce 3.27.2007 at 11:16 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment