Hindi Ko Alam

Pero bakit mas gugustuhin ko pang magmahal kaysa mahalin? Hindi ba't matagal na akong naghahanap ng taong magmamahal sa akin? Bakit kung kailan nakita ko na siya, saka naman ako tumatanggi? Wala naman talagang mali sa kanya. Kung minsan nga, hinihiling ko na sana ang lahat ng lalaki sa mundo ay katulad nya, para wala nang babaeng iiyak. Kung ganoon pala, bakit hindi ko siya mahal? Bakit hindi ko siya kayang mahalin? Bakit mas gugustuhin ko pang masaktan at magmahal kaysa manakit at mahalin? Bakit hindi ko magawang buksan ang puso ko para sa kanya? Madali naman siyang mahalin kung gugustuhin ko. Ngunit bakit hindi ko magawa?


bulag

Bakit ngayon ko lang naintindihan ang mga sinabi mo sa akin tatlong taon na ang nakalilipas? Napakalinaw pala ng iyong mga sinabi at dapat noon pa lang ay natanggap ko na. Ikaw pala ay naging tapat. Ako pala ay nagbulag-bulagan kaya ako nasaktan.