He is leaving too.

For the same reason. Galing, ano? Three in a row. 

Pag-Usad

Ngayong araw na ito, nalaman ko na kaya ko palang baguhin ang bulok na sistema ko. 


Kumakain na ako sa tamang oras. Marunong na akong mag-ehersisyo. Kaya ko nang tumingin sa iba. Kaya ko na rin magpahabol. Hindi na ako nagagalit sa aking sarili. Natanggap ko na rin na maganda pala ako.

Unti-unti na rin akong nagiging responsable sa aking trabaho at madalas na akong bumangon nang maaga para pumasok sa tamang oras.

Pero mayroon pa ring dalawang mahalagang bagay na kailangan kong ayusin sa sarili ko: dapat ko ng tigilan ang paninigarilyo at kailangang matulog na ako ngayon.