Pasyal (Sugarfree)

Isang araw tayo’y namasyal
Upang pagod natin matanggal
Kailangan nating maaliw
Bago tayo tuluyang mabaliw

Nagawi tayo sa may dagat at sa ating pagmamasid
Biglang may batang sumisid at tayo’y nabigla
Dahil buong akala, malalim ang dagat
Mababaw lang pala

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang natin malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Nagawi tayo sa isang tabi
May aleng naglalako ng cotton candy
Sarap titigan, sarap kainin
Pero pag kinagatan parang wala palang laman

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang natin malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Naakit at napabili tayo ng lobo
At di sinasadyang nabitawan
Di man lang natin hinabol
Hinahayaang lumipad, hanggang mawala
Hanggang makalimutan na natin
Kung bakit nga ba tayo naakit

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan saan na rin pala tayo umabot
At huli na nang ating malaman
Wala na pala tayong ibang mapupuntahan

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang

Isang araw tayo’y namasyal
Upang pagod natin matanggal

Grip

"Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you, tell you I need you
Tell you I set you apart
Tell me your secrets, ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a silence apart"
The Scientist - Coldplay

You are not thinking too much.

We are strong enough to specify as much as we can what are the troubles inside. Yet words crumble, to no avail, and fail to conquer each message that atempts to come out. But between our voices are salient episodes of silence that is more expressive than our confessions.

How I wish I can seize your care, wrap it in a plastic, tighten the seal, and bring it wherever I go. How I wish you can water this fiery psychological distress. For to break me from this cold, age-old shell, to save me from drowning in the pool of expectations, all I need to do is believe that you believe in me.

And what is the best way to express my deep appreciation for the strength you have shown me through all this time than to touch your face and see you shine from your smile of bitterness. When you felt unworthy of being the burden in the center of my little world, I then felt unworthy of being a burden for you in the trouble of unloading this burden to me.

I cannot remember the exact words you said to come up with the impression of being there while setting me free. This grip that is keeping us uptight is out of my fear of loosing an irreplaceable you. But you need to breathe to be eased from this discomfort I have caused you.

And I need to look at life beyond this wonderful episode and transgress from this playful imagination.

Expression is a matter of degree and it is relative from person to person. A feeling cannot formulate further explanation, despite forcing it to answer why.

All that is left for me is to keep on believing in you.

But believe me when I say that no one can understand me better.

One more thing...

Believe me when I say that you have done more than enough to prove to me that you are not one of them.

Bumaba ang Buwan

Bumaba ang buwan upang matumbasan ang init ng araw
Upang ang hatinggabi ay mabalot ng kaligayahan
Nang ang hinagpis ay magtago sa kalawakan

Bumaba ang buwan para yumuko at magpakumbaba
Para burahin ang mga lihim na bangungot
Upang magbantay sa aking pagtulog

Bumaba ang buwan nang hindi ako mangawit maningala
At ang mapanglaw nitong liwanag ay dagliang nambulag
Nang bigla nitong titigan ang luhaan kong mga mata

Bumaba ang buwan mula sa tuktok ng pagdurusa
At samahan ako sa hikbi ng aking pag-iisa
Bumaba ang buwan upang magsanib kaming dalawa

Ngunit unti-unting umapoy nang kami'y magyakap
Kami ay napaso sa init ng aming katawan
At nagsumiklab ang katotohanang hindi kami handa

Ayoko ng Reunion

"Alaala, inaamag na sa isipan. Nariyan ka pala, nagdurusa sa dilim."

Meron daw kami HS reunion sa Feb12. Marami nagyayaya sa akin na pumunta. Ayos lang naman dahil makikipag-gaguhan na naman ako sa mga kapwa maldita kong mga kaibigan. Pero bukod doon, ayoko talagang pumunta.

Kahit kailan, kahit noon nag-aaral pa lang ako sa elementarya, hindi ko nakita ang sarili ko na dumadalo ng reunion. Kung tutuusin, wala naman akong sama ng loob kahit maraming nanakot sa akin noong grade skul ako at kahit maraming nagpaguho ng aking pagkatao noong hayskul. Ahehe. Aminin ko man na malaking bahagi ng pagkatao ko ngayon ay mga lamat na dulot ng aking pagkabata, hindi naman talaga ang mga pangyayari noon ang humahadlang sa akin para dumalo sa mga ganyang klase ng reunion. Dahil higit na malaki ang kasalanan (at pasasalamat) ko sa sarili ko kung bakit ako nagkaganito.

Kasi naman, bakit may reunion agad? Hindi man lamang naka-sampung taon mula noong huli kaming magkita-kita, tapos reunion agad? Wala kasi masyadong pananabik sa isa't isa kapag ganoon. Masyado pa kaming bata para manariwa ng nakaraan. Marami pa kaming mga pangyayaring isasakatuparan upang mapunan ang aming mga alalaala sa pagtanda (kung umabot man).

Ayokong pumunta dahil hindi naman ako nananabik sa mga nagbagong itsura nila. Eh ano kung tumaba, pumuyat, pumangit, o gumanda ang mga taong iyon? Buhay nila iyon. At hindi rin mahalaga kung sabihin kong, "Oy! tumaba ka a." Alam kong hindi nila ginustong pumunta doon para lamang marinig na mataba sila. Kung iyon lang ang paraan upang bumati at magbukas ng usapan, malamang ay mawawalang-gana ang kakausapin.

Ayokong pumunta dahil kailangan kong ngitian ang napakaraming mga taong wala naman naging makahulugang papel sa buhay ko. Kung tutuusin, noong mga panahong araw-araw pa kaming nagkikita sa maliit na mundo ng eskwelahan, hindi naman talaga kami nagpapansinan lahat (kadalasan ay nagapapaligsahan at nagsusungitan at nagtra-trayduran pa kami). Bakit kailangang magpansinan ngayon, lalo't magkakaiba na ang mga mundong aming ginagalawan?

Ayokong pumunta dahil nakakatamad nang mangalap ng tsismis tungkol sa buhay ng may buhay - kapwa mag-aaral man o guro o punong-guro: Nabuntis si ganito, si ganyan at ganyan nagkatuluyan, nag-asawa na rin sa wakas si Ms. Ano, na-demote si ano kasi ano. Siguro nga ay isang aspeto ng kasiyahan ang napupunan sa ganoong uri ng usapan. Masaya naman talagang gawin iyon kung tutuusin, ngunit minsan naiisip ko na ayokong pumalit sa posisyon ng mga taong pinag-uusapan namin. Sino kaya ang gugustuhing pag-usapan ang kaibuturan ng kanyang buhay ng mga taong wala naman talagang pakialam sa pagkatao niya at gusto lang may mapag-usapan?

Ayokong pumunta, lalo na kung maraming matatalino ang pupunta, dahil cien por ciento, magpapayabangan lang kami ng narating sa mga buhay namin. Natutunan ko pagkatapos ng kolehiyo na ang pinakamakamandag na tanong ay: "Saan ka ngayon?" Hindi pa kami cuarenta y aƱos para magsukatan ng tagumpay; bagkus, lahat kaming katatapos lang ng kolehiyo ay nagsisimula pa lamang lumaban sa buhay. At ano naman kung wala pang narating? Hindi iyon nangangahulugan na ang taong iyon ay isang talunan at wala na kailanman mararating sa natitirang oras ng kanyang buhay. Sa isang banda, hindi naman ang distansya ng narating ang tanging pamantayan ng kaligayahan. Eh ano kung ang sweldo mo ay doble ng sweldo ko at may mga utusan ka sa paligid mo at ako ay ang siyang inuutusan? Hindi ibig sabihin noon na ikaw na ang pinakamagaling -- lalo na't pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Sa wari ko tuloy, ang mga dati kong ka-eskuwela na magsisiwalat ng kanyang matagumpay na katayuan (lalo na kung wala naman nagtatanong) ay gusto lamang manlimos ng paghanga, pagkilala, o sa kasukdulan, kainggitan ng mga taong nasa likod ng kanyang karera.

At higit sa lahat, ayokong pumunta dahil ayoko ng mala-soap operang tagpuan. Sa tantsa ko, may mga mag-iiyakan doon na magaganap na dinulot ng galit o hinanakit na pinalamig na ng mahabang panahon. Ayoko man makakita ng ganoon pangyayari, higit na hindi ko magugustuhan kung sa akin mangyari ang mga ganoong pangitain.


Ngunit pag-iisipan ko pa rin...