Sa ikalawang palapag ng makipot kong aklatan makikita ang mga inaalikabok na mga pahinang naglalaman ng nakaraan kong pagkatao. Mga sanaysay na pinag-uugatan ng walang hanggang pagtatalo sa kapihan, mga sulating kumalimot ng aking relihiyon, at ang mga milyung-milyong letra na nagpalabo ng aking mga mata.
Nang pinapinturahan ko ng pink and white ang aking kwarto, kinailangan ko silang gisingin sa kanilang pagkakahimlay para ilipat sa aklatan ni diko na puno naman ng mga akat tungkol sa engineering. Sa loob ng dalawang linggo na nakitira sila doon, alam kong may bumalot na tensyon na namagitan sa dalawang paksyon ng mga babasahing ito. Pinangako ko sa sarili ko na kapag natuyo na ang pintura, ibabalik ko sila sa bahay na kanilang kinagisnan.
Ngayon, sa ikalawang palapag ng aking aklatan, ang mga humigit-kumulang na apat na taong mga babasahin ay parang mga batang paslit sa lansangan na pinilit lamang na iluwal sa mundo at ngayo'y pinagkakaitan na ng pagmamahal.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko man lang sila makuhang bigyan ng halaga sa mga panahong ito. Sila ang naging ugat ng aking yabang at nagpalakas ng aking pagkatao. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko matutunang ihinto ang paninigarilyo. Sila ang naging sandalan ko sa mga panahong kinailangan kong patunayan sa maliit kong mundo na magaling akong magsulat at matalino ako.
Siguro nakapaikot na rin sa mga dahilang nabanggit ko kung bakit tila nakalimutan ko na silang mahalin. Hindi ko na kasi kayang ibalik ang pagkataong minsang naging ako. Ang nakakalungkot doon, hindi ko tinalikuran ang pagkataong iyon; kusa siyang humiwalay sa aking katawan. Hindi ko alam kung nasaan na siya, ngunit mukhang hindi na siya magpapakita pa sa akin. Siguro, isang araw (o maaaring nakalipas na), darating na lang siya sa harap ko upang kumustahin ang naging bagong takbo ng aking buhay, ngunit posibleng hindi ko na siya makilala na minsang naging ako sa isang maikli at masayang yugto ng aking buhay.
Hindi mo rin dapat sabihin na hindi ko sinusubukang ibalik ang dati kong sarili. Wala akong pinagsisihan sa aking nakaraan at sa pagkuha ko ng kursong political science. Sa katunayan, hindi ko kailanman kayang sukatin ang aking pasasalamat sa mga taong humubog sa aking isipan at nagbigay sa akin ng dahilan para maniwala ako na marunong akong magsulat. Sa katunayan, isang taon na mula noong muli akong bumalik sa pag-aaral para bigyang-halaga ang mga natutunan ko sa pagtatapos ng kursong political science. Ngunit sa kabila ng paulit-ulit na paghahanap, hindi ko pa rin mahanap ang dating ako. Sa halip na makita ang taong puno ng baon na kaalaman mula sa natutunan niya ilang taon lamang ang nakalilipas, nasaksihan ko ang inosenteng bata na tila ba ngayon pa lang pinupunan ng mga simpleng kaalaman.
O siguro dahil ang mga bagay na natutunan ko ngayon ay taliwas sa mga pananaw ng mga naninilaw na librong ito. Dahil sa kasalukuyan, pilit pinababangon ng aking mga bagong kaalaman ang mga istrukturang matagal ko nang pinasabugan ng dinamita.
Libro
Posted by Joyce 6.23.2008 at 12:30 AM
Truth
Posted by Joyce 6.22.2008 at 11:23 PM
"When you eventually have the pleasure of saying the thing you want to say at the moment you’re wanting to say it... remorse eventually follows" (Joe Fox -- You've Got Mail)
Booboos
Posted by Joyce 6.08.2008 at 12:49 PM
How can you stop going wrong?
Mistakes are evaluated based on governing rules. It's like taking a checklist out of a catalogue and crossing each item against observed behavior. However, mistakenness are more crucially justified against subjectivity.
Making her stay longer will likely to create more booboos.
Why? According to her observations, her failures are innate and cannot be improved by further training. Well, I think her dislikeness to her are also innate and cannot be improved by giving her more chances to prove herself.
Truth is, she was forced to leave not due to her failure to accord with the rules, but because she failed to make her like her. You can't merely say "just because"; you have to say 'it is because".
Of course, you won't be surprised to know that she was also forced to undertake a pretensious legal exit, to cover up other people's assess that she is not even returning favor with.
How can institutions be filled with booboos: booboo actors, booboo arena, booboo lifespan?
Who are the real booboos, by the way? The queen, the minister, or the pawn?
Pawns are purposed to be stupid; if they are not stupid, then they won't be pawns. In fairness to the institutions, it is capable of identifying who should be pawns, ministers and queens. Pawns may be nice people, but they are because they have to. More importantly, they have the least to loose. Who cares if they got out of here? Pawns only horizontally slide and have no chances to crash vertically.
Conversely, queens are queens because they are the smartass; they cannot be there without being one. They might be ministers before; more surprisingly, they were the early pawns, but as I said, they are smartass; they are capable of doing something stupid without a soul figuring out. Unfortunately, a society will most quickly die without them.
My problem with the ministers is that they are petty-bourgeois. Charecteristically, they can be the best social climber in town and the worst power grabbers imagined. They perceive themselves larger than they are. They don't even own anything. So little power for too much opportunism. They are to so-so's. True, they are indeed smarter than the pawns, but they are one hell of airheads. I'd rather admit stupidity and poverty than deny both, despite truthfully having both.