Totoo

Ang sarap palang maging totoo sa sarili.

Sa loob ng labing-apat na taon, ngayon lang ako pinagbuhatan ng kamay ng tatay ko. At wala akong balak humingi ng tawad sa kanya.  Kulang pa ang sigawan ko siya harap-harapan. Kulang pa sa kanya iyon. At lalong kulang pa sa gusto kong gawin sa kanya. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang pagtawanan. Tignan mo ang iyong sarili. Nakakaawa ka. 

Napakagaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakagawa ng tama para sa sarili ko. Nang nagalit siya sa akin at dumampi ang kanyang mga kamao sa aking mga pisngi, napangiti ako. Iyan lang ba ang kaya mong gawin, ha? Hindi man lang ako nasindak nang tinulak niya ako at binato ng kung ano ang una niyang mahawakan. Tumayo lang ako sa kanyang harapan at tinitigan siya habang pumipiglas siya sa mga bisig ng tito ko. Kung hindi pa sabihin ng nanay ko na bumaba ka muna, hindi ako matitinag sa ikinatatayuan ko. Nagustuhan ko ang mga nakita ko, ang galit sa kanyang mga mata. Ganito pala ang sitwasyon kung sa akin na siya nagagalit. Ngayon lang kasi ito nangyari sa buong buhay ko. Siguro'y kaya ako napapayapa dahil sa kaibuturan ng aking isipan, hiniling kong mangyari ang pagkakataong ito. 

Hindi ko na pala talaga kayang magpakitang tao sa loob ng sarili kong pamamahay. Panahon na para maunawaan nila na hindi nila ako kilala. Kung hindi nila kayang tanggapin na nagpalaki sila ng suwail, hindi ko rin naman ipipilit ang sarili ko na maging katanggap-tanggap sa mga mata nila. Ganito ninyo ako pinalaki. Ganito ako binuo ng paulit-ulit ninyong pagbabawal. Kaya't tignan ninyo, malakas ako. At hindi ko iiyakan ang pagkataong tinaguyod ko.

Huwag kang humingi ng tawad dahil sinaktan mo ako sapagkat hindi mo ako sinaktan. Pinasaya mo pa nga ako dahil sinimulan mo ang hidwaan natin. Hinog na ang pagkakataon para malaman mong hindi ko gusto ang pamamalakad mo sa pamilyang ito, ang pagpapalaki mo sa aming magkakapatid, ang pananaw mo sa buhay, ang pakikitungo mo sa mga tao, ang pagtingin mo sa Diyos, ang pang-aabuso mo sa pagmamahal ng nanay ko - sa iyong asawa na tanging nagmamahal sa iyo. Matagal ko ng nirespeto ang pagkakaiba natin. Tiniis ko ang mahabang panahon ng pagsisinungaling sa mga pagsang-ayon sa lahat ng ginagawa mo. Hindi tayo magkakampi. Wala akong nagustuhan sa mga ginagawa mo. 

Huwag kang humingi ng tawad dahil sinaktan mo ako. Lalong huwag mo itong susundan ng mga pasintabing "nabigla lang ako" at "mahal na mahal kita". Punyeta. Lalo mo lang sinisira ang konsepto ko ng pagmamahal. Nagsara ang puso ko dahil sarado ang puso mo nang humihingi ako ng pang-unawa. Nagsara ang puso ko nang hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magmahal. Nagsara ang puso mo sa akin, kung kailan ginusto kong ipakilala ang sarili ko sa iyo at umasang mahahabol natin ang mahabang panahong hindi ako lumaki sa 'pangangalaga' mo. At hindi mo ako pinapakinggan. Wala kang ibang naririnig kundi ang mga baluktot mong katuwiran. Hindi ka marunong maawa nang ikulong mo ako sa mga oportunidad ng buhay sa ngalan ng iyong 'proteksyon', kaya't lumaki akong walang tiwala sa sarili kong kakayahan. Ang kaya mo lang gawin ay ang maaawa ka sa iyong sarili, sapagkat gusto mong maawa ako sa iyo. At naging matagumpay ka. Kaya't nandito ako ngayon, napapailing sa iyong kinahantungan. Nakakaawa ka nga. 

Sa mga nakikita ko sa iyo ngayon, nasasabi ko tuloy sa aking sarili na kung magiging katulad rin naman kita sa pagtanda ko (yaman na lamang sarili mong dugo ang nananalatay sa aking laman), mas mabuti na sigurong hindi ako makabuo ng pamilya. Ayokong makasagabal, ayokong mamerwisyo, at ayoko ng makasakit ng nararamdaman ng iba, katulad na lamang ng pinamamalas mo sa amin.

Kaya't saktan mo pa ako. Ituloy mo pa ang galit mo sa akin. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto ulit akong saktan at ilalapit ko pa ang mukha ko sa iyo para hindi ka mahirapan. Saktan mo ako at dalian kang humingi ng tawad sa akin upang malaman mo rin kaagad na wala ng saysay ang paghingi ng tawad. Huli na para humingi ng tawad. Naubos na ang oras para sa huli mong pagkakataon.  

Hindi

Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kaya ko pang maghintay sa aking magandang tadhana.


Hindi ako titigil sumubok. Kailangan ko lang maniwala na magaling ako at makukuha ko rin ito.

Hindi ako susuko. Maubos man ang aking lakas sa kakalaban sa hamon ng buhay, mananatili akong nakatindig at malakas.

Hindi ako matatakot na magsimula muli. Ang lahat ng napagdaanan kong unos upang makabangon ang magsisilbing inspirasyon ko sa matarik na landas na gusto kong tahakin.

Pinanganak ako upang maglingkod at hindi ang paglingkuran. Pinaganak akong matatag at malaya. Hindi magtatapos ang buhay ko nang walang naisilbi sa lipunan. Handa kong ihandog ang mga natitira kong oras para kalabanin ang kasakimang kumikitil sa bawat nabubuhay na kaluluwa.

Isa akong bayani ng aking bayan.

Freedom and Freewill

Last night, I dreamt about being asleep, face down, as the sun rises.


Then someone, who I could not see, lay beside me two newly born babies: a boy wrapped in a blue cloth, and a girl wrapped in a pink cloth.

They have tags, but I could not read them.

They both look so healthy. They are beautiful.

The boy was sound asleep; the girl, whose nearest to my right, was crying.

I asked: "Where did they come from?"

The person who has laid them beside me said, "They come from the outside. No one is taking care of them now, so you have to."

The next thing I saw, baby girl's gamboling around the very silent baby boy, who's now starting to cry. She's already a toddler.

She embraced me; I kissed her.

The instance I remember these, as I was sitting on a bus this afternoon, I named her Freedom; and he, Freewill.

Why

It's three in the morning. You're nowhere in sight.

And all that I wanted was to be with you tonight.

I've watched love get closer and then fade away.

I've seen you believe in me. I've seen you trying to stay.

But what good is holding on when you know,

that all you can think about is letting go?

They say if you love someone, then set them free.

If they come back again, then in the end, it was meant to be.

I thought we were lovers. I thought we were friends.  

I guess when reality steps in the dreaming ends.

We live for the future, we learn from the past.

No matter how hard we try some good things never last.

All you can think about is letting go.

Be true to yourself, my love. That's all I ever wanted you to be.

Just don't forget to smile when you think of me.

I'II reach for the stars. I have got them in sight.

There's someone who really needs me out there in the night.

We'll live for the future. We will learn from the past.

No matter how hard we try some good things never last.

Why can't they last?