Kagabi, iyak ako ng iyak. Halos hindi ko napahinto ang sarili ko. Hindi ko maalala kung paano nagsimula, o kung ano ang iniisip ko para umiyak ako nang pagkatagal-tagal.
Samantalang noong kamakalawa lang, inubos ko ang pera ko para bumili ng mga bagay na pampaganda.
Napapansin ko lang, dumadalas kong yakapin ang dalawang pinagpatong kong unan para makatulog. Siguro nangungulila ako.
Hindi talaga ako makatulog kagabi. Bigla akong nilunod ng lungkot at hindi ako makahinga. Umupo ako at hinayaang hanginan ng hangin ng bentildor ang aking mukha. Pero nanginig ako at nanlamig. Sa ika-siyamnapu't-siyam na pagkakataon, naramdaman ko ang pag-iisa.
Kanina, bumili na naman ako ng pabango - ang bagay na hindi ko ginagamit mula ng nagdalaga ako. Ikatlong palit ko na ng pabango sa loob ng isang buwan.
Kagabi
Posted by Joyce 3.27.2007 at 11:16 AM
Gusto
Posted by Joyce 3.15.2007 at 1:06 PM
Gusto ko silang makitang magka-pakiramdam.
Sa tuwing nagmamahal ako, hindi ko pinagkakait ang nararamdaman ko sa taong mahal ko. Hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay. Hindi ko sila pinapahirapang alamin kung ano ang nasa isip ko.
Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit hindi ko sila nararamdaman. Masyado akong abala sa kaya kong ibigay at sa mga binibigay kong pagmamahal sa kanila kaya't nakakalimutan ko ng pansinin kung paano nila iyon tinatanggap.
Gusto ko silang maramdamang magka-pakiramdam.
Minsan, gusto kong paniwalain ang sarili ko na kahit minsan, umiyak ang taong minamahal ko ng dahil sa akin. Gusto kong maniwala na nasaktan ko sila kaya't napaiyak ko sila. Pero mas gusto kong maniwala na umiyak sila dulot ng tuwang pinadama ng aking pagmamahal sa kanila.
Isa ring pantasya para sa akin ang pagpantasyahan nila ako.
Sana ay sumagi sa isip nila ang mga masasayang alalaala naming dalawa at sana, dumating sila sa sitwasyon na ginusto rin nila akong balikan upang bumalik ang nakaraan. Kung masaya man sila ngayon sa piling ng bago nilang mahal, sana kahit minsan, naikumpara nila ako at nasabi nila sa kanilang mga sarili na mas minahal ko sila kung ikukumpara sa pagmamahal na pinapakita ng mahal nila ngayon.
Hindi ko sinasabing dapat naging patas sila sa akin sa lahat ng oras. Hindi iyon maaring mangyari dahil ang mundo ay hindi nilikha na eskwalado.
At lalong hindi ko ito ginagawa para makakuha ng awa sa kanila. Sa totoo lang, mas nangingibabaw ang awa kaysa pagmamahal na pinapamalas nila sa akin noong panahong minahal ko sila. Pilit kong inaalam kung bakit ganito ang kanilang naramdaman, pero mukhang imposibleng alamin. Lagi nilang sinasabi sa akin na makakakita rin ako ng taong magmamahal sa akin na higit pa sa pagmamahal na kaya nilang ibigay.
Ayokong aminin sa sarili ko na ang lahat ng taong minahal ko ay hindi ako kayang mahalin. Mas mahihirapan akong hanapin ang sagot diyan.
Siguro dapat hindi na lang ako nakakaramdam. Hindi na lang ako dapat nagmamahal para mapansin ko ang mga kayang ibigay ng mga taong magmamahal sa akin sa hinaharap. Marahil mas maganda kung hahayaan ko na lang ang sarili kong tumanggap at ipagkait ang pagbigay. Alam kong hindi dapat, pero ito lang ang naiisip kong paraan para hindi maniwala sa teoryang hindi ako kayang mahalin ng mga taong mahal ko.
At siguro sinasabi ko lang ang mga bagay na ito dahil gusto kong paangatin ang tingin ko sa sarili ko. Mahirap din kasing manghula habang buhay kung saan napupunta ang pagmamahal na ilang ulit ko nang binigay. At lalong mahirap aminin sa sarili na minarapat lamang nila na ipawalang-saysay ang pagmamahal na pinamalas ko.
Nakakapagod na rin kasing magmahal.
O kaya siguro... hindi pa talaga ako marunong magmahal.
Perpekto
Posted by Joyce 3.09.2007 at 4:12 PM
Ang hirap maging perpekto. Noong isang taon, asar ako sa mga taong perpekto. Bakit ba kasi kailangan punahin ang tuldok? Bakit hindi pwedeng patawarin ang simpleng pagkakamali? Para sa akin, napakababaw nilang tao.
Pagkatapos ng isang taon, dinagsa ako ng mga perpektong tao. Noong nakita ko si Donemark,nabuo ang loob kong maging abogado. Hindi naman pala kasi lahat ng abogado mayabang. Meron palang abogadong galing UP na may Diyos. Mabait na asawa, mapagpasensiyang tao.
Dumaan ang anim na buwan, nakilala ko si ESB. Pwede palang makatapos ang estudyanteng nagtatrabaho. Valedictorian siya sa Mindoro. Noong kinuha niya Economics sa Ateneo at law sa UP, working student siya. Galing siya sa hirap, at hindi pa rin niya kinakalimutan mga pinaghirapan niya. Sobra pa rin siya magtipid. Notebook niya, cartoon characters, ballpen niya, Panda.
Ilang linggo pa lang ang nakakaraan noong unang beses kami nag-usap ni PTL. Hindi kagaya ni Donemark at ESB, hindi siya dumaan sa hirap. Pero siya lang ang babaeng international partner sa amin. Filipino-Chinese siya, maraming koneksyon, mabusisi, hindi basta-basta nagkakamali sa kabila ng katandaan.
Ngayon, pinpilit nila akong maging perpekto kagaya nila.
Pinapapaniwala nila ako na magiging matagumpay ako kung pipilitin kong maging perpekto. Siguro, ang mga abogado, gutom sa asenso kaya hindi nagtatagal, nagiging perpekto rin sila. Hindi ako naiinggit. Sa totoo lang, hanga ako sa kanila. Pero hindi ako magiging ganun. Siguro hindi dahil sa takot akong subukan, pero sa nakikita ko ngayon, hindi ako magiging masaya sa buhay perpekto. Hindi ko alam kung masaya sila ngayon sa ginagawa nila. Sana oo, para hindi naman sayang ang oras na meron sa kanila.
Color Quiz (again)
Posted by Joyce 3.05.2007 at 2:26 PM
Existing Situation
Physical illness, over-tension, or emotional distress has taken a severe toll. Her self-esteem has been reduced and she now needs peaceful conditions and considerate treatment to permit recovery.
Stress Sources
An existing situation or relationship is unsatisfactory, but she feels unable to change it to bring about the sense of belonging which she needs. Unwilling to expose her vulnerability, she therefore continues to resist this state of affairs, but feels dependent on the attachment. This not only depresses her but makes her irritable and impatient producing considerable restlessness and the urge to get away from the situation, either actually or, at least, mentally. Ability to concentrate may suffer.
Restrained Characteristics
Feels that she is receiving less than her share and that there is no one on who she can rely for sympathy and understanding. Pent-up emotions make her quick to take offense, but she realizes that she has to make the best of things as they are.
Desired Objective
Seeks success, stimulation, and a life full of experience. Wants to develop freely and to shake off the shackles of self-doubt, to win, and to live intensely. Likes contacts with others and is enthusiastic by nature. Receptive to anything new, modern, or intriguing; has many interests and wants to expand her fields of activity. Optimistic about the future.
Actual Problem
Anxiety and restless dissatisfaction, either with circumstances or with unfulfilled emotional requirements, have produced stress. She tries to escape by intense activity, directed either towards personal success or towards variety of experience. The fear that she might be prevented from achieving the things she wants leads her to play her part with an urgent and hectic intensity.
Ought
Posted by Joyce 3.02.2007 at 1:00 PM
In the name of money, I have to turn back from who I am and love the person I never dreamt to be.
I am under the microscope in the coming days. I ought not to frustrate expectant people that surrounds me. I ought to multiply my efforts to be accepted. I ought to be thankful for where I am and carry the prestige awarded upon me. I ought to show a sense of vindication before the people that brought me down. I ought to accept that it is payback time for the people who has been there for me all along. I ought to raise my lifestyle far beyond what I can. I ought to display perfection.
I must admit that this is the disposition I had been dreaming of a few months ago. But now I am there, I never felt so alone. I thought I was dreaming much more than I should. But when dreams begin to materialize, I never felt so appalled in myself for wanting this kind of life. Situations are unexpectedly conforming to my plans. But I never felt so clueless in who I really am and what I want to be.