Telon

Nagsasara na ba ang telon? O lumiliwanag lamang ang entablado?

Bakit hindi inaasahan ng mga nagsasayahang artista ang pagpikit ng kamera?

Bakit nagulat ang mga nagagalak na mga manonood?

Ano ba ang sabi sa linya?

Nasaan na ba ang Direktor at tila nawala na ang Kanyang kumpas?

Nagtago ba siya sa likod ng tabing? O naghahanda lamang ng supresang palatuntunan?

Nangangamba na ang mga artista.

Naguguluhan na ang mga manonood.

Mayroon bang susunod na akto?

O magsasara na ang tanghalan?

Hindi ako naniniwalang tapos na.

Isa lang itong palabas.

O isa lang itong palabas na pinaloob sa isa pang palabas.

Lalabas din ang Direktor,

At hindi Niya pababayaang mapihaya ang mga artista

O biguin ang mga manonood.

Dahil siya ang Direktor.

0 comments: