Doesn't matter how sad I made you. Doesn't matter how hard I try. Just remember the same old reason reflected in your eyes you said you wanted me.Graduate na ako sa pagiging Goodnight Girl. Hindi ko alam kung paano nangyari at bigla na lamang lumitaw ang isang tao na mahal na mahal ako. Hindi ko siya hiningi, hindi ko siya inakit. Sa katanuyan, pinamukha ko sa kanya ang lahat ng kapangitan ko. Pinakita ko sa kanya ang lahat katangahan ko. Pinalanghap ko sa kanya ang lahat ng kabulukan ko. At doon niya ako minahal nang paulit-ulit.
Panahon na talaga siguro upang mabuo ako ulit. Sapat na ang kalungkutan ng nakaraan. Isasarado ko na ang pinto ng kwartong nag-iimbak ng mga inaamag na alaala. Susubukan ko naman ngumiti. Susubukan ko muling maniwala sa pag-ibig.
0 comments:
Post a Comment