Laya

Malayo na ako.
Limang araw na.
Ngunit kipkip ko pa rin ang lumang librong may pulang dahon.

Malaya na ba ako?
Dapat limang araw na.
Ngunit bakit kipkip ko pa rin ang lumang librong may pulang dahon?

Malayo na ako.
Limang gabi na.
Ngunit hindi ko pa rin binbuklat ang bagong librong may Pamaskong sulat.

Malaya na ba ako?
Dapat limang araw na.
Ngunit bakit hindi ko pa rin binubuklat ang bagong librong may Pamaskong sulat?

Malayo ka na.
Isang taon na.

Malaya na dapat ako.
Isang taon na.

Bakit hindi pa rin kita mapalayo?
Bakit hindi pa rin ako makalaya?

0 comments: